Huwebes, Hunyo 19, 2014

вυlαģ, ρïρï ατ вïṉģï

Bulag,
Hanggang kailan ipipikit ang ‘yong mata sa tunay na ganda,
Ang panghuhusga nila ay di mahalaga.
Madami sayong nagmamahal, maniwala ka,
Kailangan mo lang buksan ang ‘yong puso at tanggapin sila.

Ika’y nanatili sa lugar na madilim,
Patunay na ika’y nabulag, hindi lang sa paningin.
Ni hindi mo na matingnan ang sarili mo sa salamin,
Sugat ng kahapon ay iyo paring dinadaing.

Kahit tumawa ay di mo magawa,
Sasabihan kang KJ at kung ano ano pa.
Di nila alam na ikaw ay hirap na hirap na,
At kahit mata mo’y itinakwil na ang iyong luha.

Pipi,
Hanggang kailan ka mananahimik,
Puso mo’y napupuno na ng galit.
Subukang isulat lahat ng ‘yong hinanakit,
Mawawala kahit konti ang ‘yong iniindang sakit.

Hirap kang sabihin sa kanila,
Ang katotohanang hindi ka nila kilala.
Dahil akala mo ni isa walang maniniwala,
Kaya sa pagsulat, sarili ay hinasa.

Bingi,
Hirap kang paniwalaan ang sinasabi nila,
Kaya salita nila ay wala ng halaga.
Sa isip mo ay puro kasinungalingan lang ang sasabihin nila,
Ang puso mo’y punong puno ng pagdududa.

Kahit sa sariling tinig ika’y nagbi-bingi bingihan,
Munting angel, Di ka ba nahihirapan?.
Tibok ng iyong puso’y iyong pakinggan,
Hinahanap nito ang sariling kaligayahan.

Kung bingi sila, wag mo ng tularan,
Subukang pakinggan ang iba para ika’y malinawagan.
Walang masama kung iyong susubukan,
Para naman sa huli wala kang pagsisihan.

Ika'y Bulag sa Katotohanan,
Pipi sa Nararamdaman
at Bingi sa lahat ng nais mong Malaman.

Bulang, Pipi at Bingi,
Alin ka man sa tatlong yan.
Ang tanging masasabi ko lang,
Ramdam kita, Kaibigan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento